Taas sahod sa mga manggagawa maaaring maging mapanganib kung walang pagtaaas sa aktibidad sa ekonomiya

Maaaring maging mapanganib ang pagtaas ng sahod sa mga manggagawa kung walang pagtaas sa aktibidad sa ekonomiya.

Ito ang sinabi ni National Economic and Development Authority Director-General Arsenio Balisacan sa isang briefing kasama ang House Committee on Appropriations kahapon matapos tanungin  kung walang plano ang gobyerno na magtaas ng sahod sa gitna ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Sinabi ni Balisacan,  ang dapat na gawin ay paramihin ang aktibidad ng ekonomiya upang tumaas ang demand sa labor.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Una nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang inflation rate ngayong Pebrero sa bansa ay posibleng nasa pagitan ng 8.5 porsyento hanggang 9.3 porsyento.//CA