Taas-presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal, inihirit

Matagal nang humihirit ang samahan ng mga panadero sa bansa ng taas presyo sa Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.

Ayon kay Chito Chavez, spokesperson ng Philippine Federation Bakers Association, noong isang taon pa nila ito inihihirit sa gobyerno dahil nagkakaroon ng pagkalito ang mga mamimili.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sinabi ni Chavez na matagal na nilang problema ang pagkakaroon ng ‘point of comparison’ o ang pagkukumpara sa tinapay na ibinebenta sa mga community baker at ng Pinoy Tasty at Pinoy pandesal na ibenebenta naman ng malalaking bakery.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Paliwanag niya, mababa ang presyo ng pinoy tasty at pinoy pandesal dahil bahagi ito ng kanilang corporate social responsibility.

Mababatid na nasa apat na piso ang hiling na dagdag-presyo ng mga manufacturer ng Pinoy tasty at pandesal.
#