Nakapagtala ang PHIVOLCS ng dalawang phreatic eruption sa Bulkang Taal.
Sa pinakahuling bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na tumagal ng 14 minuto ang naturang mga pagsabog.
Maliban dito, naobserbahan din ang moderate emission ng plumes ng hanggang 900 meters ang taas.
Wala namang volcanic earthquakes na nai-record mula sa bulkan.
Sa kasalukuyan, nakataaas pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.