Iniulat ng Philippine National Police o PNP na nangunguna ang swindling o estafa sa mga cybercrime sa Pilipinas
Sa press briefing sa Malacañang, iniulat ni PNP Chief General Benjamin Acorda na nakapag tala sila ng 15 thousand 937 na kaso ng swindling/estafa.
Sinundan ito ng illegal access na nasa 4, 822; identity theft na nasa 2,384 at online libel na 2, 175.
Halos nasa dalawang libong kaso naman ng credit card fraud ang naitala ng pulisya.
Ang datos ay mula July 2022 hanggang January 2024.
Aminado si Acorda na isa sa problema nila sa pag resolba sa mga cybercrime ay ang pahirapan sa pagtukoy sa mga perpetrator o suspek sa likod ng mga nasabing krimen.
Pero malaking tulong naman anya ang sim card registration sa kanilang imbestigasyon.