Suspek sa pamamaril sa bayan ng Sta Elena, timbog sa ikinasang hot pursuit operation ng kapulisan

CAMARINES NORTE- Mabilis na nabigyan ng hustisya ang isang biktima ng pamamaril sa bayan ng Sta Elena matapos masakote ang suspek dahil sa pakikipagtulungan ng komunidad sa kapulisan ng nasabing bayan.

Matatandaang nangyari ang pamamaril nito lamang June 27,2022 dakong 6:15 ng gabi kung saan binaril ang biktimang si alyas “Gina”, 36 anyos at residente ng Purok 2, Brgy. Población, Sta Elena

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ang biktima ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan.

Sa tulong ng  isang concerned citizen na nagturo sa mismong kinarorooan ng suspek, nagsagawa ng Hot Pursuit Operation ang mga kapulisan ng Sta Elena MPS dakong 9:30 ng umaga nitong June 29, 2022 na naging dahilan sa pagkakahuli nito.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang nasabing suspek ay kinilalang si alyas “Jun”, 30 anyos, may asawa at residente ng Purok 1 Brgy. San Vicente, Santa Elena na agad na inaresto ng mga otoridad at dinala sa himpilan ng pulisya

Laking pasasalamat naman ni PCOL JULIUS D GUADAMOR sa publiko sa pakikipagtulungan sa kapulisan na naging dahilan sa mabilis na pagkakahuli ng naturang suspek.