Suspek sa pagpatay kay Killua, mahaharap sa kasong paglabag sa animal welfare act

Pinasasampahan ng provincial prosecutor ng Camarines Sur sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act ang suspek sa pagpatay sa asong si Killua noong Marso.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon sa Philippine Animal Welfare Society, nakakita ang prosecution ng probable cause para magsampa ng kaso laban kay Anthony Solares, ang barangay tanod na inakusahang pumatay kay Killua.

Ibinasura naman ang reklamong dog meat trading sa ilalim ng Anti-Rabies Act laban sa suspek dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang golden retriever na si Killua ay alaga ni Vina Rachelle Arazas, nakasako at patay na nang ipakita sa kaniya ng suspek.