Suspek sa Bandojo Killing arestado sa drug buy bust operation sa Naga

NAGA CITY- Timbong sa drug buybust operation ang suspek sa pagpatay kay Roselle Bandojo; ang 17-anyos na dalagitang nawala at naaagnas na bangkay nang natagpuan noong Hulyo sa Naga City.

Sa ikinasang operasyon sa Molave, Barangay Liboton kumagat umano sa pumosteng buyer ang subject na si Enzo Purisima. Ayon sa PNP, nakabili ang operatiba ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,500.00 , tatlo pang item ang nakuha sa pag-ingat nito ayon sa ulat ng Naga City Police Office. May kabuohang halagang ₱13,600.00.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu
Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Mababatid na ibinasura ng piskalya ang kasong Robbery with Homicide laban kay Purisima dahil umano sa kakulangan ng ebidensya.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.