Suspek na tumangay sa isang sasakyan, nahuli na

Nahuli na ang carwash boy na tumangay sa isang sasakyan sa Sanchez Mira, Cagayan.

Ayon sa ulat, nasakote ang suspek na si Hernand Zabaro, 24-anyos sa isang checkpoint na ikinasa ng mga otoridad ng Tuba, Benguet kasunod ng “flash alarm” na inilabas ng kapulisan.

Read More:  13-year-old identified in Cebu school shooting threat

Nang sitahin umano ng mga otoridad ang suspek ay wala itong maipakitang ID kayat agad itong hinuli.

Bago ang pagkakahuli sa suspek ay nagpa-gas umano muna ito sa Zitanga, Ballesteros at Maddarulug, Solana na pareho nitong tinakbuhan.

Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Napag-alaman na isang buwan pa lamang ang suspek sa bayan ng Sanchez Mira at dalawang linggo naman bilang carwash boy nang tangayin nito ang sasakyan.