Suporta sa SPED tiniyak ng LGU Naga

NAGA CITY –  Tiniyak ni Atty Paul John Barrosa ang head ng Persons With Disabilities Affairs Office o PDAO ng Naga City na regular ang kanilang tulong at suportang ibinibigay sa special education program ng mga batang kinokonsiderang nilang may kapansanan o special children.

Ito ang reaksyon ng abogado sa isyu ngayon na zero budget para sa special education , dahil ayon sa Department of Education ay hindi naaprubahan ang request.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Atty. Barrosa na positibong siyang magkaka-budget din ang programang ito dahil nga sa nasa deliberasyon pa ang lahat.

Kaugnay nito, wala namang mababago sa suportang ibinibigay ng City Government lalo na ng kanyang opisina sa mga nasa special education na siyang ginagawa nila mula pa noon at hanggang ngayon kahit wala pa ng ganitong isyu.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Ipinaliwanag niya na ang mga batang ito ay nag sisipag-aral tulad ng mga batang NASA regular class dahil sa mga programang inilaan nila sa mga ito.