Tinutukan ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang suplay ng Medical Grade Oxygen tanks dahil sa inaasahang pagtaas ng demand nito kasabay ng pagdami ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa probinsya.
Nauna nang nagsagawa ng monitoring ang mga kawani ng DTI Isabela sa City of Ilagan kung saan ayon umano sa dalawang distributor ng MGO tanks sa syudad ay sapat ang suplay dahil marami ang kanilang inorder sa mga suppliers.
Ayon pa sa kagawaran, inaasahang darating ang mahigit 200 na MGO tanks sa mga susunod na araw ay upang maiwasan ang panic buying at pagtaas ng demand.
Iikot din ang DTI Isabela sa iba pang mga establishimento sa lalawigan bilang paghahanda sa posibleng paglala pa ng nararanasang COVID-19 situation sa probinsya.
Nagpapaalala naman ang kagawaran sa mga consumer na bantayan ang galaw ng suplay at presyo ng oxygen tank para hindi magkaroon ng pang-aabuso sa mga naturang produkto.
Orlando Sierra/Agence France-Presse — Getty Images