Super typhoon ‘Nanmadol’ bahagyang lumakas habang papalayo sa PAR

Bahagyang lumakas ang super typhoon ‘Nanmadol’ o bagyong “JOSIE” sa labas ng Philippine Area of Responsibility habang papalayo ng bansa.

Huli itong namataan sa1,315 km east northeast of extreme Northern Luzon taglay ang hangin aabot sa 195 kph at pagbugsong papalo sa 240 kph.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Patuloy naman ang pagkilos nito pa-northwestward sa bilis na 20 KM/H.

Samantala ang Palawan, Occidental Mindoro, Romblon, Aklan, Antique, at Negros Occidental ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Southwest Monsoon at Localized Thunderstorms.