Sunog, sumiklab sa Mt. Asog

CAMARINES SUR- Sumiklab ang sunog sa Mt. Asog sa Iriga City at patuloy itong inaapula ngayon.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office alas 9:30 umaga nitong Abril 21, 2024 nag maiulat sa kanila ang sitwasyon.

Read More:  Bus loses brake control, collides with backhoe in Zamboanga del Sur; Several injured

Kasunod nito nagpalabas ng memorandum ang alkalde sa pagkakansela ng anumang aktibidad sa naturang bulkan.

Pinatitiyak din ang sa mga ahensya ang kaligtasan ng mga residente sa Santiago, Santa Elena, Sto. Domingo , San Juan at San Nicolas.

Read More:  Malunggay-pandesal vendor shot dead in Maguindanao del Sur

Umakyat na ang Incident Management Team at nag establish ng fire lane upang maiwasan ang pagkalat pa ng apoy, pagkasira ng kapaligiran at pakawala ng buhay.