Tinupok ng apoy ang hindi bababa sa dalawang pung stalls sa sunog na sumiklab sa pampublikong merkado sa bayan ng San Rafael, Iloilo madaling araw ng Martes, Agosto 06, 2024.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, pasado ala una ng madaling araw ng magsimula ang apoy sa central portion ng dalawang palapag na palengke.
Naabo ang tig tatlong stall sa una at ikalawang lebel ng merkado, apat naman na stalls sa covered structure sa gitna, tatlong temporary stalls sa fish section at 16 na mga vegetable stalls.
Nasa 25 percent ng nasabing merkado ang apektado ng sunog na nag-iwan ng mahigit 9.2 million pesos na pinsala sa ari-arian.
Ayon sa BFP, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa sanhi ng sunog na umabot ng second alarm bago tuluyang naapula alas 04:08 ng umaga.
Matapos maapula ang apoy, kanya-kanya ng check ang mga nasunugan sa mga gamit na maari pa nilang masalba.