Sunod-sunod na aksidente sa kalsada, tatalakayin sa SP; ‘Defensive Driving Safety Training’, iminungkahi

Ipapatawag ng Committee on Public Works, Transportation and Communications sa Sanggunaing Panlalawigan ang mga kinatawan ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), PNP Highway Patrol Group at iba pang mga ahensiya.

Ito ay hinggil sa sunod-sunod na vehicular accidents sa lalawigan na madalas na kinasangkutan ng mga pampublikong sasakyan kabilang na ang naganap na aksidente ng isang shuttle van sa bahagi ng barangay Sta. Lucia, lungsod ng Puerto Princesa.

Ang pagpapatawag sa mga nabanggit na ahensya ay bunsod ng naging privilege speech ni Board Member Maria Angela V. Sabando sa ginanap na regular na sesyon nitong Martes, Mayo 02 kung saan dahil umano sa naganap na aksidente ay muling nabuksan ang madalas na reklamo ng mga pasaherong Palawe├▒o hinggil sa mabilis na pagpapatakbo ng mga pampublikong sasakyan partikular ang mga shuttle van sa national highway na ikinababahala ng karamihan.

Kaugnay nito, iminungkahi rin ni BM Ariston D. Arzaga na magsagawa ng regular na ‘Defensive Driving Safety Training’ para sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan gaya ng shuttle van upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero sa kanilang pagmamaneho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *