Sugatang miyembro ng SAF sa engkwentro sa Camarines Sur, ginawaran ng Medalya

Kinilala ng PNP-Special Action Force ang katapangan at kabayanihan ng isang miyembro nito matapos masugatan sa engkwentro sa pagitan ng Communist Terrorist Group sa Brgy. Agao-Ao, Ragay, Camarines Sur kamakailan.

Personal na binisita at ipinagkaloob ni SAF Director MGen. Bernard Banac ang Medalya ng Sugatang Magiting kay PCpl Jason Jalvez ng 9th Special Action Batallion sa PNP General Hospital sa Kampo Crame.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon kay MGen. Banac, sa gitna ng 15 minutong labanan, si Cpl Jalvez at ang kanyang mga kasama ay nagpakita ng lakas ng loob at determinasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan at kanyang mga kasamahan.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng mga baril, bala at iba pang kagamitan ng makakaliwang grupo.

Ngayong araw ng Kagitingan, ayon kay Banac, magsisilbi aniyang pagkilala ito sa kagitingan at sakripisyong ipinakita ng mga magigiting na pulis sa bansa.