OLONGAPO- Natapos na kahapon ang bagong deep well na inilagay ng Subicwater sa Purok 7, Bgy. New Cabalan, Olongapo City.
Ito ay tinatawag na Mercury Pump Station na kaya umanong magsuplay sa 300 hanggang 350 pamilya sa lugar base na rin sa pag-aaral na ginawa.
Kasabay nito ay nagsagawa na rin ng test run ang Subicwater at agad na nagrasyon sa mga residente.
Ito ang magpapadaloy ng suplay sa mga kabahayan ng mga residente sa Purok 7 kung saan ito na ang ikalawang deep well sa barangay.
Layon nitong maibsan ang problema ng mga residente sa New Cabalan ngayon na nahihirapan sa suplay ng tubig kasabay ng ilang adjustment sa system ng Subicwater.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Subicwater
