Steve Nash, sinibak ng Nets

Kumpirmado na ang paghihiwalay ng landas ng NBA hall-of-famer na si Steve Nash at ng Brooklyn Nets.

Ito ay sa gitna ng mga napababalitang isyu na nais ‘di umanong alisin nina Kevin Durant at Kyrie Irving si Nash ngayong season.

Read More:  Miel Fajardo eyes first world titleshot against Japan’s Masamichi Yabuki

Inanunsyo ang pagsibak kay Nash bilang head coach matapos ang mahinang 2-5 standing ng koponan sa paguumpisa ng season.

Sa news release ng NBA, sinabi ni Nets General Manager Sean Marks na bagamat kinikilala nila ang mga naiambag ni Nash para sa koponan – napagkasunduan pa rin nila na napapanahon nang palitan ang kanilang head coach.

Read More:  Alex Eala to face No. 10 Amanda Anisimova in Cincinnati Open

Sa ngayon, hindi pa rin inaanunsyo kung sino ang hahalili sa binakanteng posisyon ni Nash.

Sa hiwalay naman na Instagram post, nagpasalamat pa rin si Nash sa pagkakataong pamunuan ang Brooklyn Nets.