State of Calamity, idineklara sa Brookes Point dahil sa El Niño

Isinailim na sa State of Calamity ang bayan ng Brooke’s Point dahil sa pinsalang dulot ng El Niño sa mga sakahan at iba pang sektor.

Ito ay ipinatupad matapos ang rekomendasyon ng MDRRMC at pinagtibay ng lokal na mambabatas sa isang regular session sa munisipyo.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ang deklarasyon ng State of Calamity ay nagresulta mula sa Rapid Damage and Needs Assessment ng MDRRMO na nagpapakita ng mga epekto ng El Niño sa agrikultura, patubig, at irrigasyon sa nasabing bayan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Upang matugunan ang pangangailangan, gagamitin ang tatlong milyong piso mula sa Quick Response Fund para sa El Niño Calamity Intervention Program.