Standhardinger ng Ginebra pinangalanang Player of the Week ng PBA

Pinangalanang player of the week ng PBA si Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra.

Ang 6-foot-8 Fil-German ay humakot ng halos triple-double average sa huling tatlong laro ng Kings, kabilang ang mga panalo laban sa playoff-bound teams na Meralco at Converge.

Read More:  Capital1 outlasts Akari in five-set thriller; Bella Belen erupts for career-high 35 points

Nag-average si Standhardinger ng 29 points, 11.3 rebounds, at 6.3 assists sa three-game winning run na nagbigay daan para sa defending champions na makahabol sa San Miguel sa ikalawang puwesto na may 7-2 record, kaya nakuha ng Ginebra big man ang unanimous choice bilang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week.

Read More:  Chicago Bulls overpower Milwaukee Bucks, cruise to 125-104 win

Nakatanggap ng mga boto sina Calvin Abueva ng Magnolia at Aaron Black ng Meralco bilang third choices para sa lingguhang botohan.//CA