St. Ferdinand Parish Church sa City of Ilagan, nasunog!

Tinupok ng apoy ang St. Ferdinand Parish Church na matatagpuan sa Lungsod ng Ilagan ngayong araw, ika-22 ng Abril.

Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng Brigada News Team, bandang alas-12 ng tanghali ng sumiklab ang sunog na nagsimula sa kisame ng simbahan.

Kaugnay nito, tulong-tulong naman ang iba’t ibang mga ahensiya sa lungsod maging sa ibang bayan upang maapula ang sunog.

Ayon kay City of Ilagan Counsilor Jayve Diaz, nakakapanlumo aniya na makita na unti-unting nagiging abo ang simbahan.

Nag-deklara naman ang mga kawani ng pamatay-sunog ng fire out kaninang alas-1:15 ng hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *