SRP sa mga baboy sa buong lalawigan malabong mangyari – SP

Malabo umanong mangyari ang pagpapatupad ng suggested retail price o SRP o ang unified price sa mga buhay at karne ng baboy sa buong lalawigan ng Sorsogon.

Sa isinagawang committee hearing ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ng Committee on Agriculture, hindi anya sila makapagpapalabas ng ordinansa na direktang magtatakda ng presyo ng mga buhay at karne ng baboy dahil sa pabago-bagong supply at demand nito, gayundin ang presyo ng mga feeds na mas tumaas ngayon.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon kay 2nd District Board Member Benito Doma, kailangan aniya na localized ang pagresolba o magkakanya-kanya ang mga bayan kung papaano masusulosyunan ang nasabing usapin dahil magkakaiba-iba umano ang mga presyuhan at bilihan ng mga baboy sa bawat bayan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon naman kay First District Board Member at Chairman ng komite na si Roland Anoñuevo, maaari silang magpalabas ng resolusyon na magbibigay kapangyarihan sa mga LGU na mag- intervene sa nasabing usapin sa kani-kanilang bayan pero hindi aniya ang direktang magtatakda ng presyo ng buhay at karne ng baboy.