Nagdeklara ng state of emergency si Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa kasunod ng serye ng anti-government strikes at protest dahil sa lumalalang economic crisis.
Hindi pa inilalabas sa publiko ang detalye ng emergency regulations bagamat sa mga nakalipas na emergency laws ay nabibigyan ng mas malaking kapangyarihan ang pangulo na magdeploy ng militar at magpakulong nang mga tao kahit walang pormal na kaso.

Ang kautusan ni Rajapaksa ay kailangang maaprubahan ng parliament sa loob ng 30 araw.
Tinawag naman ng ambassador ng Canada sa Sri Lanka na si David McKinnon na hindi kailangan ang pagdedeklara ng state of emergency
Una dito ay binomba ng pulisya ng teargas ang mga demonstrador sa labas ng parliament dahil sa pagkondena nila sa kakulangan ng imported food, petrolyo at mga gamot.
Matatandaan na tuloy ang serye ng mga panawagan ng pagbaba sa puwesto ni Rajapaksa dahil sa nararanasang krisis ngayon sa Sri Lanka.