Speaker Romualdez nag-alok ng P500K na pabuya sa makakapagturo sa mga responsable sa pagpatay sa ADU student

Nag-alok ng P500,000 na pabuya si Speaker Martin Romualdez, sa mga responsable sa pagkasawi ni John Matthew Salilig, ang engineering student ng Adamson University na biktima ng hazing.

Sinabi ni Romualdez na ang pabuya ay layon upang himukin ang mga indibidwal na lumapit at tulungan ang mga awtoridad na arestuhin ang mga suspek o ang mga may alam sa eksaktong nangyari kay Salilig, na ang bangkay ay itinapon sa isang open field sa Imus, Cavite.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Kinondena rin ng kinatawan ng 1st district ng Leyte ang malagim na pagpatay, at binigyang-diin niya na  pagkawala ng buhay ay hindi katanggap-tanggap sa isang sibilisadong lipunan sa bansa.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Salilig sa isang bakanteng lote sa Imus, Cavite. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.//CA