SPA, may ilang mga rekomendasyon at paglilinaw sa pagdedeklarang under state of calamity ang Rapu-rapu, Albay

Mayroong ilang mga rekomendasyon at mga paglilinaw ang Sangguniang Panlalawigan ng Albay kasunod ng deklarasyon ng pagsasailalim sa state of calamity sa bayan ng Rapu-rapu, Albay.

Sa ulat ng Committee on Crisis and Emergency, sa pamumuno ni Board Member Dennise Misalonia, binigyang-diin ang pagpapatupad ng panukalang ito na nagpapahintulot sa LGU ng nasabing bayan na ilabas ang kanilang 30% quick response fund na nagmumula sa 5% MDRRM fund.

Read More:  Kanlaon erupts for three minutes, ashfall hits Canlaon city and nearby areas in Negros

Ang halaga ay gagamitin sa pagbili ng mga gamot at suplay ng pagkain para sa mahigit 8,000 pamilya, o 100% ng kabuuang populasyon sa 34 na mga barangay.

Batay sa resulta ng assessment at needs analysis na isinagawa ng MDRRMO nito, lubha umanong naapektuhan ang mga sektor ng kabuhayan kabilang ang pagsasaka, pangingisda, food supply chain, transport system, manok at iba ba pang hayop sa pagnenegosyo.

Read More:  Man found dead wrapped in duct tape in Negros Occidental

Ang lalawigan ay nakaranas ng malakas na pag-ulan mula pa noong unang bahagi ng Enero na naging sanhi ng paghihirap ng mga residente mula sa iba’t ibang bahagi ng Albay.

Ang mga pamilya ay lubhang naapektuhan ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan dahil sa mga epekto ng low pressure area, ang north east monsoon, at isang buwang gale warning.