SP, aprubado na ang MOA para sa mga programa sa magsasaka sa lalawigan

LEGAZPI CITY – Inapbrubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay ang isang resolusyon na nagpapahintulot na pumagitan ang Pamahalaang Panlalawigan sa isang memorandum of agreement (MOA) para sa mas maraming programa para sa mga magsasaka sa lalawigan.

Ito ay kasunod ng planong pagtayo ng Digital Clustered Rice Farming sa Albay.

Read More:  Motorists stranded, road buried after flash flood hits Polomolok Village

Sa ilalim ng kasunduan na ito, kasama ang Department of Agriculture (DA) at AgriLever Philippines Corporation and Cooperative sa mga papagitan.

Dagdag pa rito, maliban pa ito sa isa pang MOA sa pagitan ng PGA, DA, Philippine Center for Post Harvest Development and Mechanization, National Food Authority (NFA) at Development Bank of the Philippines.

Read More:  Facebook post triggers shooting scare at Cebu City private school

Layunin nito na mas matulungan pa ang mga magsasaka sa pagtatanim, produksyon at iba pang asistensya.