Nagsagawa ang South Korea, United States, at Japan ng anti-submarine drills sa international waters ng Sea of Japan sa unang pagkakataon sa nakalipas na limang taon, sa gitna ng mga pangamba kaugnay sa potensyal na banta ng North Korean sub-launched ballistic missiles.
Ang one-day trilateral exercises ay sa gitna ng tumataas na concerns sa harap ng paglunsad ng North Korea ng ballistic missiles sa karagatan ng Sea of Japan noong Linggo at muling naulit noong Miyerkules at Huwebes.
Ang unang naturang anti-submarine drills simula noong 2017 ay pinangunahan ng US forces at nakatutok sa pagdetect at pag-track down ng submarines.
Layunin umano nito na malakas ang defense capabilities laban sa banta ng North Korean submarine, na lalong tumataas dahil sa improvement sa short-range ballistic missiles.
Ayon sa South Korea’s navy, na ang exercises ay kinabibilangan ng US aircraft carrier Ronald Reagan, South Korea’s destroyer Munmu the Great, at ang Japanese Maritime Self-Defense Force’s destroyer Asahi.
