SORSOGON CITY – Naniniwala ang Provincial Nutrition Council (PNC) Sorsogon na malaking tulong kung ibabalik ang Nutribun Feeding Program sa bansa na target ngayon ng National Nutrition Council.
Ayon sa opisina, mas mapabibilis ang paglaban sa malnutrisyon sa bawat probinsya kung mayroong dagdag na tulong ang pamahalaan gaya ng Nutribun na una na umanong naging epektibo sa ilalim ng pamumuno ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. lalo na’t pangunahing layon nito na wala ng mga kabataang mag-aaral sa paaralan ang magugutom.
Gayunman, nilinaw ng opisina na sa ngayon ay sapat naman ang ginagawang hakbang ng Provincial Government sa paglaban sa malnutrisyon. Sa ngayon, patuloy sa pagbaba ang kaso nito sa lalawigan habang mas marami pang mga interbensyon ang inihahanda ng LGU upang tuluyan nang matuldukan ang malnutrisyon sa probinsya.
