Sorsogon PPO inalerto ang RSSF bilang paghahanda sa magiging epekto ng Bagyong Paeng

Inalerto  ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) sa ilalim ng kanilang, Provincial Director ang Reserve Standby Support Force (RSSF) bilang paghahanda sa magiging epekto ng bagyong Paeng sa lalawigan ng Sorsogon.

Pinaalalahanan naman ng Chief ng Provincial Administrative and Resource Management Unit (PARMU) ang mga personahe ng RSSF na magsagawa ng pagbabantay sa kalagayan ng mga lugar na posibleng maapektuhan dulot ng masamang panahon at pinaliwanagan din tungkol  sa kahalagahan ng pagliligtas ng buhay at ari-arian sa oras ng kalamidad.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal
Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Ipinapakita lamang na ang PNP ay laging handa sa pagtugon sa banta ng mga kalamidad na maaaring magdulot ng kapahamakan sa ating mga kababayan.