Sorsogon, mayroong 3 Kadiwa on wheels na bumibili ng ani ng magsasaka at nagbebenta ng produktong agrikultural sa mababang halaga

Pinalawak pa ng Kadiwa Bicol ang operasyon nito sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa agrikultura.

Sa kasalukuyan ay may 30 Kadiwa retail outlet at Kadiwa on wheels na tumatakbo sa rehiyong Bicol at ang tatlo dito ay tumatakbo sa lalawigan ng Sorsogon.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Ang mga Kadiwa outlet na ito at Kadiwa on wheels ay bumibili ng mga ani ng magsasaka at nagbebenta ng mga pangunahin at agrikultural na produkto sa mga presyong karaniwan mas mababa kaysa sa umiiral na mag presyo sa merkado.

Read More:  ‘Butlak’ aims to surpass P151-M sales from 2025 Negros Trade Fair

Kabilang sa mga produkto ang bigas, asukal, mantika, baboy, manok, sariwang isda, pinatuyong isda, mga de-latang produkto, prutas, gulay, rootcrops, processed agricultural products at iba pang pangunahing bilihin.