Kinumpirma ng Provincial Government ng Sorsogon na sa kasalukuyan ay umabot na sa kabuuang 1,180 eco aide mayroon ang lalawigan na patuloy na nagpapanatili ng kalinisan ng bawat bayan sa ilalim ng Kalinigan ng 7K Program ng Provincial Government.
Ayon kay Gobernador Edwin ‘Boboy’ Hamor kabuuang 52,347,755 ang pondong inilaan niya para sa naturang programa kung saan pinakamataas na porsiyento rito ay nakalaan para sa sahod ng mahigit 1K mga eco aide.
Aniya, layunin ng nasabing programa ay mas maging kaaya-aya ang bawat lugar sa lalawigan at mapanatili ang kalinisan ng bawat bayan lalo na at nanatiling pinaka problema ng bawat munisipyo ang mga basura sa kabila ng implementasyon ng solid waste management program partikular na ang pagtatapon at segregation ng mga basura.
