Sorsogon Federation of Transport Cooperative nilinaw ang dahilan kung bakit hindi sila dumalo sa election ng SORINTRAFED

SORSOGON CITY – Nilinaw ni Sorsogon Federation of Transport Cooperatives President Retired General Rufino Escote ang dahilan kung bakit hindi dumalo ang kanilang grupo sa eleksyon ng Sorsogon Integrated Transport Federation o SORINTRAFED noong Enero 15.

Paliwanag ng opisyal, January 7 kasi bago pa man ang nakatakdang araw ng eleksyon ay naaprubahan na ng Cooperative Development Authority o CDA ang kanilang pederasyon.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Anya, dahil aprubado na nga sila ng CDA ay hindi na puwede na makisali pa sila sa nasabing eleksyon, dahil ang SORINTRAFED ay asosasyon habang sila ay kooperatiba kung kaya minabuti umano nilang hindi na dumalo sa nasabing aktibidad. Matatandaan na sa panayam ng Brigada News kay  SORINTRAFED Ramon Dealca, sinabi nito na inisnab ng Sorsogon Federation of Transport Cooperatives ang eleksyon noong Enero.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu