SONA ni PBBM sa Naga City naging mapayapa

NAGA CITY-  Naging mapayapa ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang naging assessment ng Naga City Police Office. Kahapon natuloy ang kilos protesta ng mga progresibong grupo sa gitna ng masungit na panahaon pero hindi na sila nakapag martsa para sa kapakanan ng mga lumahok.

Read More:  Passenger arrested after alleged bomb joke at Tacloban airport

Ayon sa mani vendor na si Romie Berdejo , sa ikatlong taon na ng Pangulo, naniniwala siyang kaya pang maibaba sa P20.00 ang kilo ng bigas na ipinangako ni PBBM noong panahon ng kampanya basta magiging tama ang execution ng mga batas, programa at proyekto sa agrikultura gayundin sa pagpapatkbo sa ekonomiya.

Read More:  2 children die after electrical incident at Cauayan school fun run

Si Nanay  “Carmen”, pasado ang grado sa Pangulo dahil natutugunan naman aniya ang problema pero bilang vendor ramdam niya ang kakaunting pera sa palad ng mga mamimili.