Solon, isinusulong na gawing leisure fishing tourism site ang Pag-asa Island

Naghain ng isang panukalang batas si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na naglalayong ideklara at paunlarin ang Pag-asa Island bilang isang recreation fishing tourism destination.

Sa explanatory note ng kaniyang panukala, sinabi ni Pimentel na ang House Bill 6228 ay nagmumungkahi na paunlarin ang isla upang mabigyan ang bayan ng Kalayaan sa Palawan, na sa kasalukuyan ay maliit o walang kita, ng isang  revenue stream mula sa mga aktibidad na nauugnay sa turismo.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Aniya, kung gagawing isang leisure fishing tourism site ang Pag-asa ay magbibigay ito ng  karagdagang kita sa mga maliliit na mangingisda, tulad ng pagpapaupa ng kanilang mga bangka at pag-aalok ng mga serbisyo sa mga turista.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Kapag naaprubahan, ang pamahalaang bayan ng Kalayaan at ang pamahalaang panlalawigan ng Palawan ay bibigyan ng isang taon upang lumikha ng tourism development plan sa pakikipag-ugnayan sa Department of Tourism (DOT), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno. //MHEL PACIA