Solon, isinusulong ang P2,000 monthly ‘ayuda’ para sa mga PWDs

Isinusulong ng neophyte lawmaker mula sa Quezon City na ma-institutionalize ang monthly allowance na nagkakahalaga ng P2,000 para sa mga Filipino persons with disabilities (PWDs).

Kaugnay nito, inihain ni Quezon City 5th district Rep. PM Vargas ang House Bill (HB) 5803 o ang “Disability Support Allowance Bill”, kasabay ng pagkilala na kailangan ng mga PWDs ng equitable solutions para makaahon sa mga balakid ng kahirapan.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa kaniyang explanatory note, sinabi nito na sa ilalim ng HB 5803 na ang mga PWD ay kumakatawan sa 12 percent ng adult population sa bansa at nahaharap sa significant barriers sa pag-access sa edukasyon at health care, community at citizenship participation, at economic opportunities.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Giit Vargas, na dahil sa multiple socio-economic barriers, mas maliit ang income na nakukuha ng mga may kapansanan, pero mas maraming gastos kumpara sa mga walang kapansanan.

Dahil din umano sa Covid-19 crisis, mas lumala ang kanilang economic vulnerabilities dahilan para hindi na makatakas ang kanilang pamilya mula sa kahirapan. //MHEL PACIA