Binisita ni Armed Forces of the Philippines chief Gen. Cirilito Sobejana ang Pag-asa Island sa West Philippine Sea para personal na tingnan ang developments doon.
Ayon sa AFP, chief, ito ay para na rin sa kanilang planong i-convert ang isla bilang logistics hub para mapanatili ang deployment ng forces sa area.
Una nang iminungkahi ng AFP chief ang paggamit ng Pag-asa bilang logistics hub para sa Philippine military para sa patuloy na pagpapatrolya sa WPS na kine-claim ng China.
Ito ay sa gitna ng patuloy na presensya ng Chinese vessles sa exclusive economic zone ng Pilipinas na nagmamaliit sa ilang ulit nang protesta at demand ng gobyerno na lisanin ang WPS.
Sinabi ni Sobejana na naniniwala syang ang kanyang pagbisita noong Lunes sa Pag-asa Island ay di magdudulot ng tensyon sa disputed waters.
Giit ng AFP chief, sa atin ang teritoryo kaya di dapat matakot at pwede nating gawin anuman ang plano natin roon basta’t para sa interes ng bansa.
