So.Cot, nagdiriwang ng Women’s Month

KORONADAL CITY – NAKALATAG na ang mga aktibidad para sa Women’s Month Celebration ngayong buwan ng Marso sa lalawigan ng South Cotabato. Kabilang sa mga ito ang inter-LGU volleyball tournament sa March 18 hanggang March 22; Dance Contest sa March 18; at bowling tournament sa March 15 hanggang March 16.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Highlight ng pagdiriwang ang IJuana Run- A Fun Run for Women’s Mental Health sa March 23. Ito ay may dalawang kategorya, ang 5K at 10K run. Ito ay bukas sa lahat, babae o lalake. Sa mga gustong lumahok, makipag-ugnayan lamang sa Provincial Population Office ng South Cotabato. Ang Women’s Month Celebration ay may temang “Women empowerment for gender equality, inclusive and resilient society”.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying