So.Cot, may 26 na bagong sasakyan para sa mga barangay

KORONADAL CITY- DUMATING na ang 26 units na bagong Single Cab Pick-Up Truck na binili ng provincial government ng South Cotabato.

Ang mga ito ay isinailalim na sa inspeksyon ng Inspectorate Unit. Ang naturang mga sasakyan ay para sa Provincial Peace and Order Operations ng South Cotabato. Una ng inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na pinagsisikapan ng provincial government na mabigyan ng sasakyan ang lahat ng 199 barangays sa lalawigan anuman ang political affiliation ng mga punong barangay dahil ito ay para naman aniya sa benepisyo ng mga mamamayan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City
Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang mga barangay service vehicles ay inaasahang makatutulong upang mapabilis ang delivery ng basic services at mapanatili ang peace and order sa mga barangay.