Site sa DOJ kung saan nahukay ang ilang kalansay, posibleng bahagi pa ng giyera

Inaaral na ng mga forensic experts ang posibilidad na isa palang ‘archeological site’ ang lugar kung saan nahukay ang nasa limang mga skeletal remains sa loob ng compound ng Department of Justice sa Maynila.

Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, hindi nila iniaalis ang posibilidad na ang mga nadiskubreng kalansay ay maaaring nalibing sa area sa kasagsagan pa ng mga nagdaang giyera.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Dahil dito, posible umanong masuspinde ang ipinatatayong gusali sakali mang malamang mahalaga sa kasaysayan ang mga na-excavate na buto.

Bago ito, una nang ipinag-utos ang pansamantalang pagpapahinto sa construction habang nagpapatuloy pa ang examination sa mga skeletal remains.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Kamakalawa nang imbitahan ng DOJ sina forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, social anthropologist Dr. Maria Teresa De Guzman at archaeologist Dr. Michael Canilao para inspeksyunin at aralin ang mga kalansay.

Sa Lunes, inaasahang iaanusnyo ng kagawaran ang paunang resulta ng pagsusuri ng mga eksperto.
#

RELATED STORIES: