Sit-down talk kasama ang mga senador, kailangan na raw gawin – Kongresista

Willing daw si SURIGAO del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na mag-facilitate ng pag-uusap kasama ang Senado sa gitna ng word ward ng Mataas at Mababang Kapulungan kaugnay ang constitutional economic amendments.

Sa isang briefing, binigyang-diin ni Barbers na kailangan na talagang umupo at magpulong ang mga Kongresista at mga senador dahil isa itong paraan upang maresolba ang hidwaan, at makausad na.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Kasabay nito, muling iginiit ng mambabatas na dapat nang silipin, pag-aralan, at ameyndahan ang restrictive economic provisions ng Saligang Batas.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Hangad daw nila na maging globally competitive ang bansa dahil nauunuahan na ang Pilipinas ng mga karatig-bansa nito.

Ani Barbers, huwag nang hayaan pa na maunahan ng ibang mga bansa gaya ng Myanmar ang Pilipinas dahil makaaapekto ito sa buhay ng mga Pilipino.