Sisterhood relationship ng occ. Mindoro at china, hindi tuloy.

Batangas City- Nilinaw ng kasalukuyang gobernador ng lalawigan ng Occidental Mindoro na hindi na matutuloy pa ang ang sisterhood relationship sa pagitan ng Gansu Province ng People’s Republic of China.

Ito ay matapos na ulanin ng iba’t-ibang komento at pambabatikos ang pagsalubong at pagdating ng mga chinese nationals sa naturang lalawigan para sa paglagda sa isang Memorandum of Understanding.

Ayon sa gobernador, isa sana sa pag-uusapan ng nasabing sisterhood ay ang problema ng lalawigan sa supply ng kuryente sa lugar.

Dahil umano sa kainitan ng POGO at ginagawang pang bu-bully ng Chinese Coast Guard kaya naging big deal ito sa sa mga resident.

Paglilinaw ng gobernador, hindi pa bind ang nilagdaang MOU, at dito pa lang pag-uusapan ang pagkakaroon ng sisterhood.

Wala pa rin umanong nalalagdaan na Memorandum of agreement o MOA ang dalawang panig.

Kaugnay nito, matatandaan na June 15, 2024 ng salubungin ng pamahalaan ng Occidental Mindoro ang mga chinese nationals mula sa Gansu Province, Peoples Republic of China.

Sa kaparehong araw din naganap ang paglagda ng dalawang panig sa Memorandum of Understanding.