CAMARINES SUR- Natangay ng kawatan ang cash na aabot sa ₱100K mula sa isang simbahan sa Magarao, Camarines Sur.
Sa ulat ng Magarao PNP, nakasaad na nangyari ito bandang alas 6:30 ng umaga sa Magarao Parish Church sa Barangay San Isidro, kung saan nakita umano ng caretaker na bukas na ang pinto ng kura paroko, maabutan umano ang lalaking naka bonnet at nang makita rin siya bumunot ng baril daan upang tumakbo at magtago.
Ilang sandali pa tumawag siya ng pulis upang mahuli ang suspek pero mabilis na palang nakatakas, ₱100K ang tinatayang natangay ng salarin na pumasok sa simbahan hindi para manalangin o mangingumpisal kundi magnanakaw.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCPT Beverly Calajate , sinabi nitong nang mangyari ang insidente nag mimisa ang kura at assistant nito. May CCTV camera aniya sa simbahan pero nang mga oras na mangyari ang pagnanakaw walang recorded footage.
Ang cash ay mga donasyon at pampasweldo sana sa mga nagtatrabaho sa simbahan.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga orotidad sa pangyayari. Pero sa ngayon lahat ng personahe sa simbahan ay person of interest.