Shear line, nagdulot ng malawakang pagbaha; 160 na pamilya inilikas

SORSOGON CITY – Halos buong isang araw ang naranasan na pag-ulan sa lalawigan dulot ng shear line o mas kilala sa tawag na ‘tail end of a cold front,’ dahilan para itaas ng PAGASA sa Heavy Rainfall Warning ang Sorsogon.

Bunsod nito, umabot sa mahigit 160 na pamilya o 377 na indibidwal ang inilikas kahapon, Disyembre 27 sa iba’t-ibang bayan.

Sa datos na ipinalabas ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (SPDRRMO), nakapagtala ng evacuees sa bayan ng Irosin ng 18 pamilya na nanggaling sa Brgys. Buenavista, Bacolod at Tabon-tabon.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

May naitala namang 14 na pamilya mula sa tatlong barangay sa bayan ng Sta Magdalena, habang sa bayan ng Bulan ay umabot sa 24 na pamilya o katumbas ng 88 indibidwal na nagmula sa Brgy Manag-naga lamang.

Sa bayan ng Matnog ay may inilikas na 106 na katao muila sa dalawang barangay habang may naiulat na isang nawawala. Sinuspendi rin ang  nagpapatuloy na vaccination roll-out sa nasabing bayan.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa bayan naman ng Juban ay may nailikas na 97 na pamilya mula sa limang barangay.

Nagtutulong-tulong ang lahat ng Emergency responders ng SPDRRMO katuwang ang mga personahe ng PNP at BFP ng apektadong bayan.

Ang shear line ay ang pagsalubong ng malamig na Amihan at hangin na galing sa dagat Pasipiko na siyang nagdudulot ng malakas na ulan.