Shanghai, China nakamit ang zero-COVID sa community level

Inihayag ng mga opisyal sa Shanghai na nakamit na nila ang zero-COVID sa community level pero marami sa mga residente ang may agam-agam na magbubukas na ang lungsod.

Ayon sa report, ang zero-COVID sa community level ay nangangahulugan na wala nang infection sa labas ng centralized quarantine facilities na nasa ilalim ng “strictest lockdowns”

Kinumpirma naman ni Zhao Dandan, deputy head ng Shanghai Municipal Health Commission na sa kabila ng zero-COVID, nasa ilalim pa rin ng strictest lockdown level ang 860,000 na tao na nangangahulugan na hindi pa sila puwedes lumabas ng kanilang bahay.

Matatandaan na mula nang inihayag ni Chinese President Xi Jinping na paninindigan niya ang kanyang zero-COVID policy noong May 5, ang mga residente na na-test na negative sa COVID sa government quarantine at i-disinfect ang kanilang mga tahanan nang walang paunang abiso.

Sa kabila ng mga pagtutol at iba pang reklamo ng mga residente, nagtagumpay naman ang gobyerno sa pagkamit sa zero-COVID.