Service Recognition Incetive o SRI ng mga empleyado ng LGU- Naga, hinahanapan pa ng budget 

NAGA CITY –Naglabas na ng direktiba si City Mayor Son Legacion na hanapan ng budget ang Service Recognition Incentive o ang SRI na itinakda ng pamahalaan na ibigay sa mga empleyado ng gobyerno, batay na rin sa kautusang inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Agad namang tumalima si City Budget Officer Frank Mendoza para maghanap kung saang opisina ito makukuha lalo na iyong may mga excess fund na hindi nagamit sa buong taon, ayon sa pahayag ni City Administrator Elmer Baldemoro.

Sa paliwanag niya sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Baldemoro na may matatanggap ang mga empleyado nila, subalit hindi ang 20 libong pisong una ng inihayag ng Pangulong Marcos.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Magdedepende anya sa malilikom na pondo ni Mendoza ang ibibigay sa mga empleyado, kung kelan ,hindi pa alam ni Baldemoro.