Senior citizen natagpuang patay sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng isang senior citizen sa Purok 7A, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si John Mark Villaluz 60, minero, binata at walang permanenteng tirahan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon sa ulat ng pulisya, isang opisyal ng barangay ang nagpaabot ng report hinggil sa natagpuang bangkay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Mayroon umanong iniindang sakit sa baga ang biktima at wala itong kamag- anak sa nasabing bayan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Dinala ang mga labi ng biktima sa isang punerarya sa lugar para sa autopsy o isailalim sa post mortem examination upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito.