Senior citizen na taga Samar na rescue matapos na maiwan ito ng sinasakyang bus  sa Naga

NAGA CITY – Na rescue ng City Social Welfare and Development Office o ng CSWDO  ang isang senior citizen na taga Samar na naging palaboy ng ilang araw sa Naga City, matapos na maiwanan ito ng sinasakyang bus galing ng Metro Manila.  Tumungo sa palikuran pero pagbalik nito nakaalis na an bus.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Agad namang nakipag-ugnayan sina Gloria Rodriguez, admin aide 1 ng CSWDO sa pamilya ng naturang lolo sa pamamagitan ng mga nakuhang contact numbers sa dala nitong sling bag.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rodriguez, sinabi nitong sa mga plaza ng lungsod namalimos ang matanda bago nila ito natulungan.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Mga pulis ang nagdala nito sa opisina ni Rodriguez, matapos na ireklamo ito ng isang babae na hindi naintindihan ang salitang ginagamit nito, iyon pala ay visaya.

Dalawang araw na nanatili sa CSWDO ang lolo ,bago ito nakuha ng anak at maiuwi sa Samar.