CAMARINES NORTE- Isinagawa nitong Huwebes, Agosto 4 sa Municipal Covered Court ng Capalonga, Camarines Norte ang Konsulta sa Philhealth para sa mga Senior Citizens at LGU-Employee na pinangasiwaan ng mga Municipal Health Workers.
Ayon sa LGU ang isinagawang ‘Konsulta’ ay programa ng Philhealth na nagpapakilala sa Universal Health Care Law, at mga benepisyong nakapaloob dito.
Ito ay pagbibigay ng Health Care Consultation sa lahat ng mga mamamayang miyembrong nakarehistro.
Mayroong “Philhealth Konsulta Package” at sa ilalim nito ang mga nakarehistrong miyembro ay may mga benepisyong maaari nilang magamit sa mga piling accredited na Primary Care Facility.
Lahat ng miyembro ng Philhealth ay kwalipikado sa nasabing benepisyo na malaki naman ang magiging kapakinabangan para sa kanila kung sakali mang kanilang kailanganin.
Nagkaroon din ng Free-registration at updating para sa kanilang Philhealth.
photo: New LGU Capalongan FB acct
