Senador, winelcome ang tugon ng DA sa isyu ng bagsak-presyo ng NFA rice

Binati ni Senadora Imee Marcos si Department of Agriculture, Secretary, Francisco Tiu Laurel Jr. matapos ang mabilis nitong aksyon sa isyu ng National Food Authority (NFA).

Ayon kay Marcos, sa pamamagitan ng inilabas na preventive suspension na anim na buwan ng Office of the Ombudsman para sa mismong administrator ng NFA at maging sa mahigit isang daan nitong opisyales at empleyado ay agad na matutukoy ang mastermind sa likod nito.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Maliban pa roon, agad din umanong mapapanagot sa batas ang sinumang mapapatunayang sangkot dito.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Maalala, ayon kay Marcos, binuo ng kanyang ama ang NFA upang mapanatili ang mababang presyo ng bigas at matiyak na mayroong sapat na buffer stock ang mga Pilipino sa panahon ng kalamidad.