Senador: walang karapatan ang China i-veto ang PMZ Law

Naniniwala si Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Senador Francis Tolentino na kahit hindi pa tuluyang naisasabatas ang Philippine Maritime Zones Act ay nababahala na ang China rito.

Read More:  VP Sara calls for better intelligence after Tacloban school shooting

Ito ay matapos tawagin ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning na paglapastangan sa kanilang pagmamay-ari at soberanya ang pagtulak nito.

Ngunit sa kabila nito, nanindigan si Tolentino na walang karapatan ang China na i-veto o pigilin ang bansa na itulak ito.

Read More:  DSWD provides financial aid to students injured in Tacloban school shooting

Dagdag pa niya, tanging ang Malacañang lang ang may karapatan na gawin ito kung kaya’t di dapat matakot ang bansa at mas mainam na pabilisin ang pagsasabatas nito.