Senador, umaasang makasisipot na si Mayor Guo sa susunod na pagdinig hinggil sa POGO sa susunod na linggo

Nakatakda na sa susunod na Miyerkules ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality hinggil sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Kaugnay nito, umaasa si Senador Win Gatchalian sa pagsipot ni ‘Guo Hua Ping’ o ‘Alice Leal Guo’ sa gagawing pagdinig at maging pagbunyag nito sa mga pasimuno at protector ng mga ni-raid na POGO hub kamakailan sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Ngunit sa kabila nito, nilinaw ni Gatchalian na hindi maaring maging ‘state witness’ si Guo dahil siya ang sentro ng Hongsheng POGO hub na nag-apply para sa mga ito ng Letter of No Objection at iba pang permit.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Maalala, ipina-subpoena na kamakailan ni Senadora Risa Hontiveros si Guo at kung sakaling hindi ito ulit dumalo ay ipapa-contempt na ito ng senadora.